13

By

Teddy Boy tiyak na lulusot sa CA – Sotto

Sharing is caring!

Ginarantiyahan ni Senate President Tito Sotto ang mabilis na paglusot sa Commission on Appointments (CA) ni Ambasssador Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin na itatalagang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Sotto, higit pa sa karapat-dapat si Locsin sa DFA.

“Best appointment ever. He will definitely be confirmed,” sagot ni Sotto sa tanong ukol sa tsansa ni Locsin sa CA.

Sa ngayon, Permanent Ambassador to the United Nations si Locsin.

Papalitan niya sa DFA si Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbo sa pagka-kongresista ng Taguig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?