70

By

Teddy Boy Locsin bagong DFA secretary

Sharing is caring!

Tinanggap na ni Philippine Ambassador the to United Nations Teddy ‘Boy’ Locsin ang pagtalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging susunod na sectetary ng Department of Foreign Affairs.

Sinabi ng Pangulo na inalok na niya kay Locsin ang puwestong iiwanan ni Secretary Alan Peter Cayetano dahil tatakbo ito sa pagka-kongresista sa 2019 midterm elections.

Inatasan ng Pangulo ang kanyang aide na si Special Assistant to the President Bong Go para tawagan si Locsin para tanungin kung puwede ng banggitin ang pangalan nito.

“Bong tawagan mo nga si Teddy Boy Locsin, sabihin mo kung puwede bang i-mention niya pangalan dito?,” anang Pangulo kagabi pagdating sa bansa mula sa Bali, Indonesia.

Ayon sa Pangulo, taglay ni Locsin ang karakter ng makapangyarihang tao na siyang kailangan para sa ahensiya.

“Naghahanap ako ng mestizo kagaya niya para hindi sila manghimago.,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?