13

By

Teddy Boy Locsin agad pumayag sa DFA post

Sharing is caring!

Hindi na kinumbinsi pa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Permanent Ambassador to the United Nations Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin para pamunuan ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Locsin na agad niyang tinanggap ang alok ng pangulo.

“I was asked I said yes,” sabi ni Locsin.

“But love UN, the many friends & intellectual companions I made. But I didn’t say no when asked as I didn’t when he told me I was UN ambassador. If my Tito Chito Ayala trusted him implicitly; how can I not. Still UN work is like sharpening a blade every day,” pahayag pa niya.

Bago maging ambassador, si Locsin ay naging kongresista ng Makati, naging program host sa ABS-CBN, naging speechwriter at press secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Naging ambassador siya sa UN noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?