34

Jul 22, 2021 @ 16:08
By

Technical foul ‘pag hinubad face mask! PBA maghihigpit sa COVID protocol

Magpapatupad ng mas mahigpit na health protocol ang PBA matapos na magpositibo ang ilang manlalaro sa COVID-19.

Ayon sa liga, lahat ng nasa bench ay required nang magsuot ng face mask, maging ang mga parte ng coaching staff.

Maari lang itong alisin kapag magbibigay ng instruction sa mga manlalaro ngunit kailangang ibalik agad ito.

Ang mga pinapayagan lang maghubad ng face mask ay ang sampung manlalaro sa court.

Sinumang magpasaway na koponan ay papatawan ng technical foul dahil sa ‘improper bench decorum’.

Bukod pa rito, babantayan din ng liga ang seating arrangement ng mga manlalaro kung saan papayagan lang makaupo ang mga player sa upuan na in-assign sa kanila.

Magkakaroon din ng ‘rest area’ para sa mga player na pauupuin sa bench mula sa laro para makapagpahinga bago muling isuot ang face mask kapag nasa bench na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?