89

By

Teaser ng ‘Isa Pa with Feelings’ nina Maine, Carlo inilabas na

Ipinasilip na ang unang teaser ng pelikulang pagtatambalan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

Ang “Isa Pa with Feelings” ay unang movie ni Maine sa ilalim ng ABS-CBN.

Ipinakilala rito ang mga karakter nina Maine at Carlo na sina Mara at Gali, na nadiskubreng magkapitbahay pala sila.

Sesentro ang movie sa dalawang sawi na natagpuan ang isa’t isa.

Nakatakda umanong ipalabas sa mga sinehan ang “Isa Pa with Feelings” sa October 16, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?