444

Dec 20, 2017 @ 19:01

Teamwork, gustong ibalik ni Bal David sa basketbol

Balak ibalik ni dating Barangay Ginebra guard Bal David sa utak ng mga players ngayon ang teamwork.

Aniya, ang sport na basketbol ay hindi laro lang ng isang indibiduwal kundi ng isang buong koponan.

Ipinunto nito na ang pagtutulungan ng team ang isa sa naging susi sa pagwawagi ng kanyang alma mater na University of Santo Tomas na naghari noong 90s sa UAAP basketball.

Wala umano noong bidang player at lahat ay tulong-tulong na parang isang pamilya at ‘yun umano ang gusto niyang maging sa Tigers sakaling maging coach nito.

Kasama si David sa hanay ng pinagpipiliang maging coach ng UST na papalit kay Boy Sablan.

Nakahilera rin sina coaches Aldin Ayo at Pido Jarencio para sa coaching job sa Uste.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?