73

By

#TeamGreta umalagwa sa social media

Dinaan sa social media ng ilang netizen ang kanilang pagsuporta kay Gretchen Barretto sa kinasasangkutang gulo sa kapatid na si Marjorie.

Trending sa Twitter Philippines ang #TeamGreta matapos basagin ni Marjorie ang pananahimik tungkol sa nangyaring gulo sa lamay ng kanilang ama.

Sa kabila nito, tila kay Greta pumanig ang ilang netizen habang ang iba tinawag ang mga supporter ni Gretchen na mga “bobo supporter” dahil sinusuportahan umano ng mga ito ang bullying.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?