17

Aug 1, 2021 @ 15:33
By

Team USA nilamon Czech Republic

Pasok na sa knockout stages ng Tokyo Olympics ang team USA matapos tambakan ang Czech Republic, 119-84, nitong Sabado (oras sa Pilipinas).

Matapos ang dikitang first quarter, nagliyab ang mga Amerikano sa second half kung saan 72 points ang kanilang ibinuhos upang masiguro ang slot sa susunod na round.

Nanguna sa kanilang ratsada sa second half si Jayson Tatum na kumamada ng 27 points tampok ang limang tres.

Ngunit naging highlight din sa kanilang panalo si Kevin Durant, na sa pagiskor ng 23 points ay naging all-time leading scorer na ng team USA sa Olympics.

Nagdagdag pa si Zach Lavine ng 13 points at may tatlong tres.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng team USA matapos mabigo sa una nilang laban kontra France. (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?