118

By

Team ‘Pinas numero uno para kay Kai

Bagama’t lilisanin ni Kai Sotto ang Pilipinas para magpalakas sa ibang bansa, hindi pa rin nito kakalimutan ang maglingkod para sa bayan.

Martes ng hapon ay inanunsyo ng 7-foot-2 prodigy ang balak na mag-training sa Atlanta para simulan ang kanyang landas patungo sa NBA dream.

“Sa kontrata na pinirmahan namin ni Kai at sa pipirmahan namin sa anong club, number one priority namin ‘yung Gilas,” ayon sa ama ni Kai na si Ervin Sotto. “Ano mang oras na kailanganin ng Pilipinas ‘yung serbisyo ng anak ko, expect niyo na nandoon ‘yung bata.”

“Ano man, maglalaro ‘yung bata. Dream na ‘yun,” aniya pa.

Dahil dito, inaasahan na makapaglalaro si Kai sa 2019 Fiba U19 World Cup sa Greece kahit pa saan nito maisipang pumirma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?