119

By

Team Pilipinas ni Guiao babangain ang IEco Green Warriors

Sharing is caring!

Pagkakataon ng bagong bihis na Team Pilipinas na maipamalas ang kanilang laro bilang isang buong koponan.

Nakatakda silang sumabak sa isang tune-up game bago tumungo sa Iran para sa fourth window ng FIBA World Cup Asia qualifiers sa darating na Setyembre 13 sa Tehran at sa Big Dome para i-host naman ang Qatar.

Makakalaban ng Gilas ang IEco Green Warriors ngayong Linggo sa Meralco Gym.

Sa pamamahala ni coach Ariel Vanguardia, makakasagupa ng Gilas sina Gab Banal, Jai Reyes at iba pang Warriors na naghahanda rin para sa Asia League Terrific 12 sa Macau ngayong buwan din.

Gaganapin naman ang huling ensayo ng national team sa Lunes, Setyembre 10, kung saan iaanunsiyo ni coach Yeng Guiao ang Final 12 na sasabak sa Huwebes, Setyembre 13 sa Tehran, Iran. (Cyreel Gian Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?