62

By ,

Team Pilipinas nais makalaro ang Israel

Puntirya ni Team Pilipinas coach Yeng Guiao na makapag-tune-up game sa ilang ball club sa Israel bago tuluyang lumipad pa-Qatar para sa huling window ng Fiba Basketball World Cup Qualifiers.

Makakabakbakan ng Pilipinas ang Qataris sa Pebrero 21 at sa Peb. 24 naman ang Kazakhstan.

“Meron pa kaming konting paplantsahin sa aspeto na ‘yun. We are not yet sure who we will play but possibility na siguro ‘yung club teams sa Israel. Malalakas ‘yun,” aniya.

Nais din ng tropa na maagang makarating sa Middle East para agarang makapaghanda sa nasabing qualifiers. Pero dahil sa tensyon sa Gulf Area maaring maging malabo ito.

Kaya napili na lang ni Guiao na subukang makipaglaro sa Israel kahit hindi pa nito alam ang estado ng relasyon nito sa Qatar.

Bukod sa mga tropa, iniisip din ni Guiao na makipagtune-up game sa Alab Pilipinas kung pwede ang mga ito dahil alam niyang malabo ang isang PBA team.

“Mas maganda kung may import kasi nasi-simulate ‘yung mga malalaking kalaban natin doon sa Qatar and Kazakhstan,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?