160

By

Team Pilipinas itlog sa home court, sumuko sa Iran

Sharing is caring!

Nakasabay ang Team Pilipinas sa Asian top contender na Iran, ngunit sa dulo, biglang nawala sa tiyempo ang PH national team.

Bigo ang Pilipinas na makakuha ng panalo sa fifth window ng Fiba World Asian qualifiers matapos yumuko sa Iran, 78-70 sa Mall of Asia Arena.

Naging matikas ang Pilipinas kontra sa Iran sa pangunguna ng dalawang dagdag sa koponan na sina Jayson Castro at Christian Standhardinger na hindi naglaro sa kanilang laban kontra sa Kazakhstan kung saan nabigo rin ang koponan.

Ngunit hindi napigilan ng Nationals ang pananalasa ni Mohammad Jamshidi, na binuhat ang Iran sa kabila ng pagkawala nina mainstays Nikkah Bahrami at Hamed Haddadi na kumolekta ng 26 puntos, pitong assists at apat na rebounds.

Dahil sa pagkatalo, laglag sa 4th place ang Gilas, tangan ang 5-5 win-loss record sa likod ng Australia, Iran at Japan sa kanilang grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }