289

By

Team Pilipinas’ ‘Final 12’ ni Guiao, kasado na

Sharing is caring!

Pormal nang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang 12-man lineup ng Team Pilipinas na sasabak laban sa Iran sa darating na Huwebes, Setyembre 13 para sa fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Naging opisyal ang balitang ito sa pamamagitan ng pagpost sa kanilang Instagram account.

Kasamang babandera sa national team ay sila Raymond Almazan, Beau Belga, Alex Cabagnot, Paul Lee, Poy Erram, Marcio Lassiter, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Ian Sangalang, Asi Taulava and Earl Thompson.

View this post on Instagram

Final 12 Iran vs Philippines 13 Sep 2018, Tehran, Iran

A post shared by SBP (@samahangbasketbolngpilipinas) on

Si Christian Standhardinger ang napili bilang naturalized player ng national team kaysa kay Stanley Pringle.

Hindi na rin nakahabol si Greg Slaughter sa Final 12 lineup dahil sa kanyang ankle injury, habang suspendido pa rin sa FIBA sina Matthew Wright at Japeth Aguilar matapos masangkot sa rambol laban sa Aussies noong Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?