13

By

Team Pilipinas balik-bansa tapos ng 12 oras na delay

Sharing is caring!

Kalahating araw ang hinintay ng Team Pilipinas para muling makabalik sa bansa dahil sa hagupit ng bagyong Ompong.

Umaga ngayong Sabado, Setyembre 15, na nakatungtong ang buong delegasyon matapos ang kanilang laban sa Iran para sa 2019 FIBA World Asian qualifiers noong Seyembre 13.

Nai-stranded ang koponan ni Yeng Guiao sa Dubai International Airport na dapat sana’y nakaiskedyul na bumalik noon pang Biyernes ng gabi, Setyembre 14.

Dahil dito, magkakandumahog na mag-ensayo ang Nationals para sa laban nila sa Qatar sa Setyembre 17, dalawang araw na lang bago ang nasabing laro sa Araneta Coliseum.

Maari ring ma-delay ang mga Qataris sa pagpunta sa ‘Pinas dahil sa bagyong Ompong. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?