102

By

Team PH ‘binastos’ sa Kazakhstan

“First time we experienced it,” ito ang nabanggit ng Team Pilipinas assistant coach na si Ryan Gregorio sa kanilang karanasan patungo at noong dumating sa Kazakhstan.

Haharapin ng Nationals ang Kazakhs sa must win game sa balwarte ng huli, ngunit bago pa man magsimula ang laban ay tila nagsisimula na ang psych war para mawala sa tiyempo ang mga pambato ng Pilipinas.

Siyam na oras naghintay sa Istanbul, Turkey ang buong pederasyon ng Pilipinas dahil walang direktang flight mula Qatar patungong Kazakhstan. Dumagdag pa ang tatlong oras na pagkabagot para makuha ang immigration clearance mula saAstana airport.

Alas-siyete na ng umaga, Sabado, nakarating ang buong koponan sa kanilang hotel, dahilan para makulangan ng oras para sa ensayo dahil ilang oras na lang ay sabak na agad sa laro.

Bukod pa rito, imbes na organizer ang sumalubong sa kanila ay mga lasinggerong walang modo na nagsisigawan umano ng ‘di kaaya-ayang salita.

“First time ito, from the very beginning,” ayon naman kay Bong Tulabot na matagal nang naglingkod sa national team buhat pa noong pinakaunang Gilas program ni coach Rajko Toroman.

Wala rin umanong nasaksihan na liaison officer buhat nang dumating sa Kazakhstan ang Team PH dahilan para mangapa ang mga ito at isiping sadya ang naging mga pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?