20

By

Team performance, sandigan ng BanKo – Tiamzon

Tunay na isang comeback ang ginawa ng BanKo Perlas Spikers sa five set victory kontra Motolite 19-25, 23-25, 25-18, 25-22, 17-15 para sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference nitong Linggo sa Alonte Sports Arena.

Pinangunahan ni team captain Nicole Tiamzon ang Perlas Spikers ng magtala ito ng double-double performance na 19 points at 15 excellent digs.

“I think we’re getting there naman. Mahirap talaga yung sunud-sunod na talo eh, lalo na yung mga top teams talaga ang nakalaban namin. So kailangan naming i-pickup ang sarili namin para makapag-bounce back, and huwag kaming mag-stay sa loss na yun,” pahayag ni Tiamzon.

Dahil sa pagkapanalo ay nasa ika-4 na pwesto ang BanKo Perlas na may record na 3-5 samantalang nasa ika-5 naman ang Motolite na may 3-6 record.

Pero batid ng veteran open spiker na team effort ang nagpanalo sa kanila sa laban.

“Kahit na sabihin natin na binuhat, it’s a teamwork pa rin. Team performance pa rin naman ‘yun. Pasalamat tayo talaga na gumawa lahat, nagbigay ng 100% puso talaga in the fifth set,” punto ni Tiamzon.

Katuwang din para sa opensa ng Perlas Spikers sina middle hitter Kathy Bersola na may 17 points, imports Yasemin Yildrim at Sutadta Chuewulim na nag-ambag ng 16 and 15 markers at veteran Sue Roces na may 13 points.

Nais pang masundan ng BanKo Perlas ang kanilang mga panalo kung saan makakatapat nila sa Miyerkoles, Hunyo 26, ang BaliPure Water Defenders na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?