14

Dec 5, 2020 @ 22:18
By

Team ni Thirdy olats pa rin

PATULOY sa paglagapak ang San-En NeoPhoenix na pinaglalaruan ni Thirdy Ravena makalipas na yumuko sa Yokohama B-Corsairs, 79-68, Sabado 2020-21 B.League sa Hamamatsu Arena.

Hindi pa rin naglalaro si Thirdy dahil nagpapagaling pa ito matapos dapuan ng COVID-19.

Ikaanim na sunod na talo na ito ng San-En Neophoenix, na walang Thirdy sa ikalawang sunod na laro.

Namuno sa Yokohama si Patrick Auda sa natipong 14 points at 12 boards para manguna sa koponan na bahagyang umakyat sa 4-14 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?