73

Jul 17, 2019 @ 22:05
By

Team leader ng LTO todas sa ambush

Kinondena ng Land Transportation Office (LTO) ang pananambang sa isang team leader ng LTO-Caraga at mga kasamahan nito sa Surigao City.

Nasawi sa ambush ang leader na si Felixberto Loayon habang sugatan naman ang dalawa niyang kasama na sina Rene Sinangute at Fredie Wabina at nakaligtas ang isa pa nilang kasamahan.

Ayon sa ulat nitong Miyerkoles, nanggaling sa operasyon ang mga biktima nang pagbabarilin ang mga ito.

Dumiretso na sa ospital ang mga biktima para magamot ang mga sugatan.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang ahensiya sa mga kaanak ng mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?