589

Nov 16, 2021 @ 17:08
By

Team Kramer may sinehan sa pool

Bongga talaga ang mansyon ng Team Kramer.

Bukod sa may elevator ang kanilang dream house, mayroon ding home theater sa harap ng kanilang swimming pool.

Sa Instagram, nag-post si Doug ng litrato ng kanilang mga anak ni Cheska Garcia na sina Kendra, Scarlet, at Gavin na enjoy sa panonood ng Disney film na “Lion King” habang nasa pool.

“Got to finally hang out at our favorite spot after 6 months! Kids requested to swim sunset till evening. Then watch and eat here,” caption ni Doug.

Noong June 2019 lumipat ang Team Kramer sa kanilang dream house.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?