105

Jun 13, 2020 @ 17:19

Team Jaclyn: Isabel ginulpi si Vivian

Ang mahusay na aktres at tiyahin ni Marco Gumabao, may kuda para sa aging starlet na itatago natin sa pangalang Vivian Velez.

Kuda ni Rivas sa isang Facebook thread: “Jaclyn Jose forever, mabuting tao kahit nagkakamali, marunong pang humingi ng paumanhin, yang si Vivian, never kahit sa dami ng nagawa nya pagkakamali, ang taas ng tingin sa sarili!!!…daming angas na tao na yan…not a good person to me, she was my kababata as in magkapatid bf namin nung 70’s pa at 16 pa lang ako & I have plenty to say about her personality, may krung2, praning etc etc, daming ginawang panlalait sakin nyan…yabang to the max!!! My first time to say my saloobin bcuz Jaclyn is more tao at mapagmahal!!!”

Dagdag pahayag pa ni Isabel na obviously ay may personal falling out with VV: “Ok nako na wala sya sa buhay ko. Much much better, mapanlait yan tao na yan if u’ll only know her true personality…pag may kailangan sayo napaka bait, after…ni hindi ka kilala!! Ayoko ng maging kaibigan mga ganyan sa pagtanda ko, waste of my time…mas gusto ko kaibigan si Jaclyn, may puso marunong makipag kapwa tao…ayan nga o, ang liwanag, humingi ng tawad…Dyos nga pinatawad tayo kahit di humingi ng tawad, sya hindi makapagpatawad as if wala sayang maging kasamaan sa buhay…papansin na lang yang babaeng yan at si Jaclyn ginagamit nya!!! Tseh nya.”

May magiging rebuttal kaya si Ms. Velez sa mga kudang ito ni Ms. Rivas? Makakaasa ba tayo na ang war of the roses na ito ay will blossom in a major, major way? O mas pipiliin na lang ni Mamang Velez na tumahimik na lang lalo na nga’t her hands are full sa maraming bagay-bagay.

Ang diva that you love, ang wish, dahil may histories naman pala ang mga babaing ito, naway privately, at hindi sa social media, ay ma-thresh out nila ang lahat. Kung ayaw naman nilang magharap-harap pa, by all means, spill pa all the beans dahil nakakaaliw namang basahin ang ganitong mga tarayan, hindi ba naman?

Bukas ang panig ni Vivian sa pitak na ito para sa ikalilinaw ng mga pahayag ni Isabel.

KathNiel, LizQuen, JaDine pamarisan si Janine

Bukod sa same-old, same-old peeps na makikita sa isang rally, super refreshing na ang isang kagandahang artista na tulad ni Janine Gutierrez ay isa sa mga dumalo sa Araw ng Kasarinlan mañanita.

Sa news coverage tungkol sa nasabing payanig na hindi mo naman talaga masasabing payanig, may mga dumalo naman pero hindi of EDSA 1 and Dos proportions, at mas lalong hindi of EDSA 3.

Parang ang mas nakakarami sa anti-terror bill, mas pinipili pa rin na ilabas ang kanilang mga agam-agam, hinaing, galit, saloobin at suklam sa kanilang respective social media accounts and platforms kesa pumunta sa ganap ngayong Independence Day sa UP.

Nauunawaan ko naman na may fear lalo na nga’t wala pang vaccine para sa pesting veerus. Maulan pa man din at we have heard and read so many horror tales pag may mass gatherings kaya for most who celebrated the mañanita in the comforts of their abodes, less kuda, and more action at presensya ang hiling at lambing sa inyo.

Kaya nga palakpakan na may kasamang sigawan at mainit na pagyakap para sa mga dumalo kahit pa uncertain ang clime at times. Bongga nga ang parting shot ni Gutierrez: “Happy mañanita, Philippines ?? We love you so much it hurts.”

Sa mga ibang artistang kaidaran ni Janine, lalo na yung big three reel and real love teams, Kathryn Bernado at Daniel Padilla, James Reid at Nadine Lustre at Liza Soberano and Enrique Gil, next time do a Janine G para naman ma-inspire ang inyong mga hukbo na makibaka at huwag matakot.

Kaya sa iyo Janine Gutierrez, buhay kang patotoo na youth in indeed not wasted on the young.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?