785
Team Daquis vs Team Villanueva sa PSL Celebrity Beach Volleyball
By

Team Daquis vs Team Villanueva sa PSL Celebrity Beach Volleyball

Hindi lang volleyball superstars ang magpapasikat sa PSL Beach Volleyball 2019 dahil pati mga sikat na celebrities ay hahataw rin sa sand court ng Lingayen Beach sa Pangasinan sa Mayo 18, alas-4:30 ng hapon.

Dalawang koponan ang maglalaban sa celebrity beach volley game sa pagitan ng Team Daquis at Team Villanueva.

Mangunguna para Team Daquis si Cignal HD Spiker Rachel Anne Daquis, model/actress Jinri Park, former football national team member Anton Del Rosario at DJ Laboching ng Love Radio.

Samantala, bibida naman para sa Team Villanueva si Sta. Lucia Realtor Amanda Villanueva, model/actress Margo Midwinter, former football national team captain Aly Borromeo at ESPN5 courtside reporter Apple David.

Bukod sa celebrity game, sinimulan na nitong Huwebes ang totoong bakbakan sa PSL Beach Volleyball 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?