78

Jul 2, 2019 @ 22:39
By

Team Brownlee pasok sa cast of champions

Kinumpleto ng Team Brownlee ng Cavite at Team Mariano ng Pampanga ang cast of champions ng 2019 PBA Ginebra San Miguel 3×3 Tapang ng Tatluhan noong Sabado.

Tinakasan ng Team Brownlee nina Janno Baronda, Roberto Sayawan, Rudy Onde at Darrel Babica ang Team Dela Cruz 20-19 sa West GMA finals sa Brgy. Fatima 2, Dasmarinas, Cavite.

Naligtasan din ng Team Mariano nina Ron Jabez Canlas, Mark Adrian Mallari, Gabriel Rivera Baluyot at James Allen Dela Pena ang Team Caperal 19-18 para mangibabaw sa North Luzon Central regionals sa Brgy. Pulung Bulu, Angeles, Pampanga.

Nakakuha na ng tiket sa National finals ang Team R. Aguilar/TSU nina Lorenzo Bautista, Jeffrey Pamintuan, Renz Capulong at Ferdinand del Prado sa North Luzon West Central regionals; Team Caperal (Jude Almocera, Raffy Gravador, Christian Jake Imus at Raul Martin Ramos) sa Eastern Visayas regionals; Team R Aguilar (Jayson Apolonio, Ian Rhalf Llona, Ervin Jay Silverie at Christian Corpuz) sa North Luzon West Central regionals.

Kabilang din ang Team Mariano/Sabello (Felipe Chavez Jr., Mark Justine Leal, Ivan Miguel Cuyong at Viel Angelo Tumalon) sa East GMA regionals; Team Slaughter (R-Jay Ramirez, Paul dela Cruz, Benner Salamat at John Kenneth Reyes) sa North Luzon Central regionals; at Team Thompson (Navin Magnaye, Keith Ryann Altarejos, Von Jasper Moren at Justin Magnaye) sa South Luzon West regionals.

Abante ang 16 champion squads sa Regional Finals sa Biyernes sa Robinsons Place Manila, kasado ang championship game sa Linggo sa halftime ng Manila Clasico ng Ginebra at Magnolia sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?