105

Aug 25, 2019 @ 18:14
By

Teaching Supplies Allowance dapat i-institutionalize

Gustong iinstitusyonalisa ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ang Teaching Supplies Allowance ng 840,000 guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

Sa inihaing House Bill 3449 o “Teaching Supplies Allowance Act,” paglalaanan ang kada guro ng P10,000 Teaching Supplies Allowance kada taon pambili ng mga tisa, pambura, papel, at iba pang classroom supplies.

Hindi umano patas ang sahod ng mga guro kumpara sa dami at bigat ng kanilang trabaho.

“One of the urgent ways to respond to the clamor of our public school teachers for much needed support is to grant them with additional benefits in the form of cash allowances which would not be subject to the SSL (Salary Standardization Law),” saad ni Santos-Recto.

Limitado ang cash allowance para sa mga guro na nagtuturo talaga
sa mga silid-aralan ng public basic education.

Aatasan din ng batas ang Department of Education sa periodic review ng Teaching Supplies Allowance upang maging angkop sa presyo ng mga classroom supplies kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?