63

Oct 1, 2017 @ 15:40

Teaching method sa public schools sa Maynila, “hi-tech” na

Mas magiging “hi-tech” na umano ang pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa susunod na taon, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito’ y dahil sa bibili pa ang lokal na pamahalaan ng mga makabagong information technology equipment at magpapatupad ng “digitized methods of governance” para sa mga Manilenyong mag-aaral.

Ayon kay Estrada, niyang masanay ang mga batang mag-aaral sa mga kurso at kaalamang may kinalaman sa information technology na “in demand” ngayon sa maraming bansa.

“Next year, a digitized system of governance, management and operations will be introduced in our school system,” pahayag ni Estrada sa ginanap na pagpapasinaya ng bagong covered quadrangle ng Bacood Elementary School sa Sta. Mesa na pinagawa ng lokal na pamahalaan.

“This will prepare Manila’s public schools for IT integration,” dagdag pa niya.

Ang covered quadrangle ay bahagi ng school infrastructure projects ni Estrada na nagkakahalaga ng P264.29 milyon na nakatakdang matapos ngayong 2017.

Dagdag ni Estrada, nakabili na rin ang City Hall ng mga bagong audio-visual IT equipment para sa 33 public high schools at 73 elementary schools ng lungsod.

Kasama dito ang 5,100 units ng LCD projectors na may whiteboards na ayon kay Estrada ay ide-deliver na lang at bawat classroom ay magkakaroon aniya nito.

Mayroon na rin umano silang 500 units ng desktop computers, copiers, at TVL (technical, vocational, livelihood) tools at equipment, sound system, at tablet armchairs para sa mga bagong gawang classroom. (Ma. Isabel Billones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?