11,128

By

Teacher pinilit mag-resign: Mga netizen nabanas kay Raffy Tulfo

Trending ang isang episode sa ‘Ipa-Raffy Mo!’ ni Raffy Tulfo matapos mauwi sa resignation ng isang guro ang reklamo ng isang magulang at lola ng isang estudyante.

Sa Youtube video na may pamagat na ‘Mommy, Ipina-Tulfo Ang Pasaway Na Teacher Ng Kanyang Anak!’ nireklamo ng lolang si Salve Bañez at nanay ng bata na si Rosemil Edroso ang teacher na si Melita Limjuco na namahiya umano sa eskuwelahan.

Sa nasabing video, ipinakita sa CCTV footage kung papaano pinalabas ng guro ang anak ni Edroso sa kanyang klase na kinagalit nito.
Giniit pa ni Edroso at ng lola na sinasaktan umano ng guro ang bata, ngunit walang naipakitang ebidensya sa pananakit.

Dahilan ni Limjuco, nakipag-away sa katabi ang nagreklamong bata kaya ito pinalabas ng classroom.

Nang makausap ni Tulfo si Limjuco, nagkasundo sila na magre-resign na lang ng kusa ang guro para hindi na umabot sa pagdedemanda ng child abuse.
Dahil dito’y nainis ang mga netizen, para sa kanila’y karapatan ng guro na idisiplina ang kanilang mga estudyante.

Wala rin umano sa hulog ang pagpapa-resign sa guro dahil kung tutuusin ay maliit na bagay lang ito at wala namang pruweba sa pananakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?