19

Oct 5, 2021 @ 18:51
By

Teacher party-list naghain ng kandidatura

Muling tatakbo ang ACT Teachers party-list sa 2022 elections.

Naghain ng certificate of nomination at certificate of acceptance of nomination ng mga nominee ng ACT Teachers ngayong Martes, kung kailan ipinagdiriwang ang World Teacher’s Day.

Ipagpapatuloy umano ng ACT ang pagsusulong sa mga pangangailangan ng mga guro at mananatiling totoong boses ng mga ito sa Kongreso.

Ang mga nominado ng ACT ay sina Rep. France Castro, dating Rep. Antonio Tinio at professor David Michael San Juan.

“We pledge to represent, assist and defend teachers and other education workers in advancing our vocation, economic welfare and democratic rights,” sabi ni Castro.

Sinabi ni Tinio na tinanggap nito ang hamon upang muling maging kinatawan ng ACT para maipagpatuloy ang laban sa mas maayos na kalagayan ng mga guro.

“Tama na ang palpak na tugon sa pandemiya, ang matinding korapsyon kapalit ang paghihirap ng milyong Pilipinong apektado ng matinding krisis pang ekonomiya. ACT Teachers will be the genuine voice of teachers, youth and the people in congress,” sabi ni Tinio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?