129

By

Taylor Swift na-stoke sa harap nina Adele at J.K. Rowling

Sharing is caring!

Nag-share si Taylor Swift ng isang emotional post sa Instagram. Pinost niya ang polaroid photos kunsaan kasama niya ang singer na si Adele at ang Harry Potter author na si J.K. Rowling.

Parehong nanood ng Reputation Stadium Tour ni Taylor ang dalawang powerful women of U.K. sa London’s Wembley Stadium.

“I’m so grateful for these women, for the words they’ve written and the worlds they’ve created through their art… so stoked to have you at the show in London @adeleand JK ❤️,” caption pa ni Swift sa IG.

Nakakuha ng higit sa 500,000 likes in just one hour!

Isa pang ikinatuwa ni Taylor at ang pag-guest ng British singer na si Robbie Williams sa kanyang world tour in London.

Isa sa mga sikat na singers noong ‘90s si Williams na naging miyembro ng British band na Take That bago siya naging solo artist. Pinasikat niya ang mga songs na Rock DJ, She’s The One, Millennium, Come Undone at Let Me Entertain You.

Nag-duet sila ni Taylor ng song niyang Angel noong nakaraang June 23 concert. Suot pa ni Robbie ang Taylor Swift T-shirt.

“OMFG ROBBIE WILLIAMS JUST JOINED TAYLOR SWIFT ON STAGE AND WEMBLEY HAS GONE MENTAL!” tweet ng isang nanood sa concert.

Sa mga nagdaang shows ni Taylor, naging guest niya sina Shawn Mendes, Selena Gomez, Troye Sivan and Niall Horan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?