83

By

Taylor Swift humingi ng tulong sa publiko vs. Scooter Braun, Scott Borchetta

Hindi na alam ni Taylor Swift ang gagawin kaya isinapubliko niya na ang “tyrannical control” na nararanasan niya umano mula kina Scott Borchetta, ang head ng dati niyang record label na Big Machine Records, at celebrity manager Scooter Braun.

“I just want to be able to perform MY OWN music. That’s it,” himutok ni Taylor.


Kinwento ni Swift na question mark na sa ngayon ang status ng future plans niya, gaya ng pagtatanghal ng mga luma niyang kanta sa American Music Awards show at pagpalabas ng Netflix documentary tungkol sa kanyang buhay, dahil sa pagharang umano ng dalawang lalaki.

Hindi kasi pumapayag sina Braun at Borchetta na tugtugin ni Taylor ang dati nitong mga kanta at gamitin ang mga luma niyang performance footage.

Kaya naman umapela na ang 29-anyos na American singer sa kanyang mga fan at kapwa performers upang mapabago ang desisyon ng dalawa.

“This is WRONG. Neither of these men had a hand in the writing of those songs. They did nothing to create the relationship I have with my fans. So this is where I’m asking for your help,” saad ni Taylor sa fans.

“Please let Scott Borchetta and Scooter Braun know how you feel about this. Scooter also manages several artists who I really believe care about other artists and their work. Please ask them for help with this – I’m hoping that maybe they can talk some sense into the men who are exercising tyrannical control over someone who just wants to play the music she wrote. I’m especially asking for help from The Carlyle Group, who put up money for the sale of my music to these two men,” dagdag niya.

Ang Big Machine Records ang dating record label ni Swift noong 15 anyos pa lang siya. Nilayasan niya ito noong 2018 dahil masyado na aniya itong toxic at pinaubaya ang anim na previous album niyang “Taylor Swift”, “Fearless”, “Speak Now”, “Red”, “1989” at “Reputation” kay Borchetta.

Matagal nang nagmakaawa si Swift kay Borchetta para makuha ang rights sa kanyang mga kanta pero hindi siya pinagbigyan ng kompanya. Sa halip, nalaman niya na lang nasa halagang $300 milyon, binenta ito ng huli kay Braun nang lingid sa kanyang kaalaman.

Sinabi rin ni Taylor na kaya niya sinabi ang mga pangyayari ay upang hindi na matulad ang ibang artista sa kanyang naging kapalaran.

“I feel very strongly that sharing what is happening to me could change the awareness level for other artists and potentially help them avoid a similar fate,” ani Swift.

Manager si Braun nina Ariana Grande, Kim Kardashian, Kanye West at Justin Bieber.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?