19

Nov 22, 2021 @ 15:42
By

Taylor Swift, Ariana lampaso sa BTS

Umukit ng kasaysayan ang South Korean boy band BTS sa 2021 American Music Awards.

Nakopo nila ang Artist Of The Year award — ang pinakamalaking karangalan sa nabanggit na awards night.

Nilampaso nila sina Ariana Grande, Drake, Olivia Rodrigo, Taylor Swift at The Weeknd.

Ayon sa Soompi report, ginanap ang 2021 American Music Awards sa Microsoft Theater sa Los Angeles noong November 21.

Personal itong pinuntahan ng mga miyembro ng BTS.

BTS ang unang Asian group sa kasaysayan na nagwagi ng Artist of the Year sa American Music Awards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?