92

Jan 3, 2018 @ 12:18
By

Taxpayers, kailangan pa ring mag-file ng 2017 ITR – Ong

Pinaalalahanan ni Leyte Rep. Henry Ong ang mga individual income taxpayer na hindi sakop ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang kinita noong 2017.

Ayon kay Ong, ang kinita at suweldo nitong katatapos na taon ay bubuwisan alinsunod sa lumang batas sa filing ng income tax return o ITR bago ang deadline sa Abril 16, 2018.

Sabi ng kongresista, kailangan pa rin ng withholding tax certificate para sa 2017 ITR kahit epektibo na ang TRAIN Law.

Nagpaalala ang kongresista dahil nakasaad sa Section 13 ng Republic Act 10963 o TRAIN Law na ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 sa buong taon simula 2018 ay hindi na kailangan pang mag-file ng ITR.

Kaugnay nito’y nangangamba naman si Ong sa posibleng maging problema ng ilang mamamayan na hindi na maghahain ng ITR simula sa 2019.

“Kailangan kasi ang ITR bilang document requirement sa loans, negosyo, o iba pang bagay na kailangan ng proof of income,” paliwanag ng kongresista.

Kaya naman nanawagan ang mambabatas sa BIR na gawan ng paraan na magkaroon ng substitute sa requirement para rito. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?