193

Nov 16, 2021 @ 17:55
By

Taxi pinasabog sa ospital, pasahero dedo

Patay ang isang pasahero matapos sumabog ang isang taxi habang nasa harapan ng isang ospital.

Ayon sa BBC report, masuwerteng nabuhay ang taxi driver na si David Perry dahil nakalabas siya ng sasakyan bago lamunin ng apoy.

Sugatan si Perry nang sumabog ang isang homemade bomb matapos niyang huminto sa labas ng Liverpool Women’s Hospital sa England, Linggo ng umaga.

Nasawi ang pasahero, na pinaniniwalaang siyang may dala ng pampasabog sa taxi.

Naisakay ni Perry ang pasahero sa Rutland Avenue, Liverpool at nagpahatid ito sa ospital, na sampung minuto lamang ang layo.

Nang dumating ang taxi sa drop-off area ng ospital ay sumambulat ito.

Idineklarang isang terrorist attack ang pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?