47
ABANTE taxi philippines train law fare
By

Taxi drivers, hindi hihirit ng dagdag-singil sa pasahe

Nagkasundo ang samahan ng mga tsuper ng taxi na hindi na maghain ng panibagong fare increase sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ito ay sa kadahilanan na inaprubahan pa lamang noong nakaraang taon ng LTFRB ang dagdag singil sa taxi na hanggang ngayon ay hindi pa fully implemented.

Ayon kay Fermin Octobre, ang pangulo ng DUMPER taxi, hindi pa kasi naka-calibrate ang lahat ng mga metro ng mga taxi para sana ipatupad ang fare adjustments.

Una nang plinano ng asosasyon na maghain ng petisyon sa LTFRB para sa panibagong dagdag-singil sa pasahe dahil sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng umiiral na Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN law at price adjustments ng mga oil companies dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, subalit kanila muna itong isinantabi para hindi mapuruhan ang mga mananakay.

Dahil dito, hiling na lamang ng grupo sa mga operators na huwag magtaas ng singil sa boundary para naman hindi maapektuhan ng husto ang kanilang kita sa pamamasada. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?