grossing-film

‘A Taxi Driver’, top grossing film sa Korea ng 2017

Sharing is caring!

Top grossing film sa South Korea noong 2017 ang pro-democracy themed movie na “A Taxi Driver”.

Humamig ito ng 12.18 million sa in total admissions at may kita na $89.84 million (R4.48 billion) para mangibabaw sa listahan bilang No. 1 movie ng 2017 sa SoKor, ayon sa Korean Film Council (KOFIC).

Base sa tunay na istorya ang Korean film na pinagbidahan ng award-winning star na si Song Kang Ho at ni German actor Thomas Kretschmann.

Ibinatay ang istorya sa pag-aalsa para sa demokrasya noong May 1980 sa Gwangju, South Korea.

Ginampanan ni Song Kang Ho ang papel bilang taxi driver na hinatid ang German TV journalist na si Jurgen ‘Peter’ Hinzpeter, na karakter naman ni Kretschmann, mula Seoul tungo sa Gwangju para mag-cover ng demonstrasyon sa siyudad.

 Ni-release ito noong Agosto 2017.

Naungusan nito ang No. 2 top grossing film na “Along With the Gods: The Two Worlds” kung saan bida si Ha Jung-woo, Cha Tae-hyun, Ju Ji-hoon at Kim Hyang.

Pangatlo sa talaan ang “Confidential Assignment”, na Korean film din na bida sina Hyun Bin at Yoo Hae-jin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?