110

Oct 7, 2018 @ 17:55
By

Taxi driver nangholdap ng Tsinoy

Isang Filipino-Chinese na papunta sana ng airport ang hinoldap ng driver ng kanyang sinasakyang taxi sa Lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng Navotas City Police ay ganap umanong alas-7:00 pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 10, Barangay North Bay Boulevard North (NBBN) ng nasabing lungsod.

Bago iyon ay galing umanong Ninoy Aquino International Airport ang biktimang si Kunsuhui Wu, 31-anyos ng Pearls Plaza, Quirino Avenue, Lungsod ng Parañaque at pinara ang taxi na isang Toyota Vios (WOV 234) ng RMJK Transports na minamaneho ni Richard Mendez, 35-anyos, may asawa, mula sa West Fairview, Lungsod ng Quezon at nagpahatid sa NAIA Terminal 3.

Ngunit sa halip na doon siya ihatid ay dinala umano ng suspek ang biktima sa Road 10 at doon nagdeklara ng holdap, nakuha sa kanya ang iPhone plus 8 na nasa P48, 000 ang halaga, isang iPhone 6S na nasa P6,000 naman ang halaga.

Matapos na makuha ang pakay ay agad ding pinababa ng suspek ang biktima na mabilis namang nakahingi ng saklolo sa nagpapatrol noong mga tauhan ng Navotas PNP at sa isinagawang follow-up operation ay agarang ding naaresto ang suspek ngunit hindi na rin narekober pa ang mga kagamitan ng biktima.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na rin ng Navotas Detention Center ang suspek at nahaharap sa kasong robbery hold up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?