336

Dec 19, 2017 @ 17:30

Taxi driver kinasuhan ang nakaaway na babaeng motorista

Naghain na ng reklamo ang driver ng isang taxi sa isang babae na nanapak sa kanya matapos ang mainitang pagtatalo sa kalye sa Quezon City noong Sabado.

Sinampahan ni Virgilio Doctor, 52, na unjust vexation, malicious mischief at slight physical injuries ang babaen gnanakit sa kanya na nakilalang si Cherish Sharmaine Interior.

Iinihain ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nagsama din ng hiwalay na reklamo si Doctor sa LTFRB at Quezon City Police District Station 3 last Monday.

Naging viral ang isang video na ipinost ni Joshue Baluyot noong Sabado matapos magkasagutan si Doctor at Interior.

Sa nasabing video, nakita si Interior na hinarang at sinapak nito sa mukha si doktor. Tinangka din ni Inteior na sirain ang side mirror ng taxi na minamaneho ni Doctor.

Wala pang pahayag si Interior tungkol sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?