64

Dec 12, 2017 @ 14:23
By

Tax reform bill, pagtitibayin na

Naplantsa na ng bicameral conference committee sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara sa panukalang tax reform ng administrasyong Duterte.

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Quirino Rep. Dakila Cua, nakatakdang ratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang TRAIN ngayong araw.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang buwis na ipapataw sa sigarilyo.

P32.50 ang excise tax per pack simula Enero 1, 2018 hanggang Hunyo 30, 2018. Tataas ito sa P35 pagdating ng Hulyo 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2019.

Ang excise tax naman na ipapataw sa mga produktong petrolyo ay P7 per liter sa gasolina; P4 per liter sa AV gas; P3 per liter sa kerosene; P2.50 per liter sa diesel; P1 per liter sa LPG; P7 per liter sa naptha; P8 per liter sa refined fuel; P2.50 per liter sa bunker fuel, at P8 per liter sa lubricating oil.

Papatawan din ng 5% excise tax ang cosmetic procedures habang dodoblehin ang tax rates ng mining.

Ang excise tax rate naman sa mga sasakyan ay 4 percent para sa nagkakahalaga ng P600,000; 10% sa higit P600,000 hanggang P1 milyon; 20% sa higit P1 milyon hanggang P4 milyon at 50% sa higit P4 milyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?