41
Abante-TnT--Tax-reform-bill,-ni-railroad---Tinio
Dec 14, 2017 @ 13:31
By

Tax reform bill, ni-railroad! – Tinio

Imbalido umano ang naging ratipikasyon ng Kamara sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ng Duterte administration.

Para kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, malaking kalokohan ang nangyari sa plenaryo kagabi dahil sampung kongresista lamang ang present nang magbotohan.

Tinangkang harangin ni Tinio ang ratipikasyon dahil sa kawalan ng quorum at wala ring kopya ng bicameral conference committee report sa TRAIN pero binalewala ang kanyang objection.

Sabi ng kongresista, malinaw na railroading ang nangyari.

“Since there was no quorum and no actual vote was taken, the alleged ratification is clearly invalid,” ani Tinio.

“The brazen railroading of this TRAIN wreck on the poor exposes yet again the blatant disregard of the Duterte administration and its Supermajority in Congress for even the most minimal standards of democracy,” dagdag ng kongresista.

Ibinuking din ni Tinio na kaya wala ang mga kongresista nang ratipikahan ang TRAIN ay dahil nasa Christmas party ang mga ito kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nasaan ba kamo ang mga kinatawan? Nasa Xmas party ng PDP-Laban sa Sofitel ang karamihan, kasama mismo si Du30. Ganyan sa Kongreso — may boto kahit walang tao, nagpa-party sa 5-star hotel habang nagpapataw ng pahirap na mga buwis sa mamamayan,” diin ni Tinio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?