82

Dec 4, 2017 @ 12:27
By

Tax Reform Bill, lulusot sa bicam ngayong linggo – Cua

Kumpiyansa si House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na makabubuo na ng isang bersiyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill ang bicameral conference committee sa loob ng linggong ito.

Ipagpapatuloy bukas (Martes) ng bicam ang diskusyon sa magkakasalungat na probisyon ng Senate at House versions ng TRAIN.

Ayon kay Cua, sa 100-pahinang matrix ng TRAIN bill, 40-pahina na ang natapos nilang talakayin ng unang araw ng bicam noong Biyernes.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Miro Quimbo na dapat maaprubahan ng bicam ang TRAIN ngayong linggo para matiyak ang ratipikasyon nito bago ang Christmas break ng Kongreso sa Disyembre 15.

Kabilang sa contentious provisions ng Senate at House versions ng tax reform ay ang excise tax sa langis, coal, minerals, cosmetic procedures at sugar-sweetened beverages gayundin ang pagtaas ng buwis sa mga sasakyan.

Target ng gobyerno na masimulan ang implementasyon ng tax reform sa Enero 1, 2018.

Tinaya sa P130 bilyon ang kikitain dito sa unang taon ng implementasyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?