108

Dec 12, 2017 @ 15:35
By

Tax reform bill, hindi anti-poor – Palasyo

Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng mga ordinaryong Pinoy sa posibleng epekto ng tax reform bill sa sandaling mapirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas.

Nakalusot sa bicameral conference committee ang nabanggit na panukalang batas at magiging ganap itong batas sa sandaling pirmahan ng Pangulo sa Disyembre 19.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, pangunahing layunin ng tax reform bill na makalikom ng pondo para sa ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan at inaasahang bababa ang income tax ng mga manggagawa pero tataas naman ang buwis ng mga bibilhing sasakyan, produktong petrolyo, sweetened beverages, cosmetic products at ilan pang luxury products and services.

May mga probisyon naman aniya sa tax reform bill para maibsan ang epekto nito sa mga mahihirap na sektor gaya ng conditional cash transfer at pagbibigay ng subsidiya sa mga pinakamahihirap na Pilipino.

“There were provisions naman included in the bill itself ‘no to help alleviate the impact on the very poor sector ‘no. There’s of course continuing conditional cash transfer program of the government, we will pursue that. And I think there are other provisions providing further subsidy and supports to the very poor,” ang pahayag ni Roque.

Bukod sa tax reform law, nakatakda ring pirmahan ni Pangulong Duterte ang General Appropriations Act of 2018 na nagkakahalaga ng P3.767 trilyon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?