54

Dec 15, 2017 @ 12:57
By

Tax reform bill, haharangin sa SC

Pinag-aaralan na ng grupong Makabayan ang iba’t ibang opsiyon para harangin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, kasama sa kanilang opsiyon ang hakbang na ligal.

Ipinahiwatig ng mambabatas ang pag-akyat sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang anila’y anti-people na tax reform package.

Sabi ni Zarate, nilabag mismo ng Kamara ang sariling rules nang aprubahan ang TRAIN nang walang quorum.

Partikular na tinukoy ng kongresista ang rule na nagtatakda na ang bicameral conference committee report ay dapat ratipikahan ng mayorya ng mga present na kongresista sa sesyon na may quorum.

“There were only about less than twenty (20) members of the House present when the wrecker TRAIN was railroaded for ratification late Wednesday night,” ani Zarate.

Dismayado sina Zarate dahil ang ganito kabigat na batas na tatama sa pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ng mahihirap ay ni hindi pa idinaan sa tamang proseso ng Kamara.

“Obviously the run-away train that would wreck havoc on our people with new burdensome taxes was not validly ratified and legally infirmed,” sabi ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?