50

Dec 14, 2017 @ 15:19
By

Tax reform bill, Christmas gift sa masa – DOF

Pinasalamatan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Kongreso sa pagkakapasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).

Ayon kay Dominguez, ito ang pinakamagandang regalo ng mga mambabatas sa sambayanan ngayon Pasko.

Kapag naging ganap ng batas ang TRAIN, ayon pa rin kay Dominguez, mas malaking suweldo ang maiiuwi ng mga manggagawa.

Paliwanag pa nito, dahil sa tax reform package ay magkakaroon naman bagong pagkukuhanan ng pondo ang gobyerno para sa mga programa at proyekto ng administrasyong-Duterte.

Inaasahan din na maabot ng gobyerno ang mga revenue targets dahil sa TRAIN.

Nakasaad sa TRAIN na hindi na papatawan ng buwis ang mga taunan at kabuuwang suweldo na P250,000 pababa gayundin ang 13th month pay at iba pang bonuses hanggang P90,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?