104

Jan 2, 2018 @ 18:11
By

Tax permits ng mga negosyo bibilis sa TRAIN law – BIR

Nangako ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na padadaliin ang proseso para sa mga kinakailangan dokumento ng mga micro, small and medium scale enterprises (MSMEs) para sa kanilang business permits.

Ito, ayon kay BIR Comm. Caesar Dulay ay bunsod na rin nang pagpapatupad ng unang pakete ng tax reform law.

Sa ulat ni Dulay kay Finance Sec. Carlos Dominguez III sinabi nito na nagsimula na ang pagbabawas nila sa mga requirements para sa pagpapa-rehistro ng mga bagong negosyo maging ang renewal ng permits.

“After the tax reform package, we’ll go into that streamlining process, although it’s an ongoing work being done by BIR. Even the procedures, we will cut down on the documentary requirements,” sabi ni Dulay kay Dominguez.

Una nang pinagsabihan ni Dominguez si Dulay ukol sa mga reklamo na kanyang natatanggap mula sa mga MSME’s hinggil sa mahirap na proseso para sa renewal ng BIR Certificates of Registration (CORs) sa kanilang regional offices.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?