97

Oct 31, 2017 @ 11:45

Tax payment para sa mga self-employed, sisimplehan lang

Mas simple at magiging one time na lamang nag filing ng income tax ng mga self employed sa sandaling maipatupad na ang Tax Reform Program ng pamahalaan.

Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sonny Angara, sa ilalim ng Senate Bill 1592 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), maaaring pumili ang mga self-employed at professionals sa pagitan ng 8% flat tax sa gross slaes o receipts na ihahain isang beses isang taon o ang kanilang schedulled personal income tax rate na may allowable deductions.

Sinabi ni Angara na mas maraming self-employed workers ang mahihikayat na magbayad ng tamang buwis sa pamamagitan ng one time tax filing.

“The Congress is making a distinction between the tax treatment of compensation income earners and self-employed individuals and professionals, because we recognize the need to really simplify the process and make it easier for them to comply and pay correct taxes,” saad ni Angara.

Sa nakalipas na administrasyon aniya ipinatupad ang scare and shame tactic.

Gayunman, naniniwala anya siya na mas marami ang susunod sa tax rules kung magkakaroon ng insentibo.

Sa ilalim din aniya ng panukalang mas mataas na income tax exemption ay magiging exempted na sa pagbabayad ng income tax ang mga margina; income earners tulad ng mga magsasaka, mangingisda, may ari ng sari-sari store, karenderya, tindera sa palengke at tricylce drivers. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?