90

Dec 1, 2017 @ 22:36
By

Tax exemption ng P250,000 annual income, aprub na sa bicam

Lusot na sa bicameral conference committee ng exemption sa buwis ng P250,000 na annual income.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ito ang kauna-unahang mahalagang probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o tax reform bill na inaprubahan sa pulong nilang mga senador at konggresista.

Sa panukala, hindi bubuwisan ang kumukita kada taon ng P250,000.

Magiging exempted naman ang unang P250,000 ng mga kumukita ng higit sa halagang ito at bubuwisan ang kita na labas sa halagang ito.

Aprub na rin ang pananatili ng tax exemption ng P82,000 sa pinagsama-samang Christmas bonus, 13th month pay at iba pang bonus.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang bicam meeting sa Senado.

Nasa 20 pahina pa lamang ang natatalakay ng mga konggresista sa tax reform bill na may 108 pahina. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?