261

Nov 19, 2018 @ 19:43
By

Tax Amnesty Bill aprubado na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Tax Amnesty Bill o Senate Bill No. 2059.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, layon dito na mahikayat na magbayad ng utang na buwis ang hindi nakapagbayad noong 2017 at sa mga nauna pa ritong taon.

Para ito sa hindi nakapagbayad ng estate tax, general tax at iba pang buwis.

Hindi na sila sasampahan ng anumang kaso kapag nagbayad ng buwis at ng 6 porsyento na ipapataw ditong tubo.

“We hope that this measure will encourage those in the formal and non-formal sector to legitimize, properly declare and pay the correct taxes without fear of civil, criminal or administrative penalties,” sabi ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?