37

Oct 24, 2017 @ 11:22

Tax academy itatayo sa Pinas

Nagpasaklolo si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Amerika para sa pagpapatayo ng binabalak niyang Tax Academy dito sa Pilipinas.

Inilahad ni Dominguez ang plano kay US Usec of the Treasury for International Affairs David Malpass sa kanilang pulong sa Washington DC.

Sinabi ng kalihim na nais niyang masimulan sa darating na Enero ang Tax Academy, na aniya ay magiging daan para sa propesiyonalisasyon ng Bureaus of Customs at Internal Revenue.

“Both agencies are under me and we’re doing short-term things but really, in the long term, we need better skills, better ethics,” ani Dominguez kay Malpass.

Binanggit nito na sa unang ibinigay na tulong ng Amerika ay napabuti ang koleksyon ng BIR at sinabi nito na ito ang naging daan para mabuking ang paggamit ng Mighty Corp., ng mga pekeng tax stamps sa mga kaha ng kanilang mga sigarilyo.

Nakipag-ayos na ang kompaniya ng sigarilyo sa BIR at nangakong magbabayad ng P37 bilyon bago sila binili ng Japan Tobacco Inc. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?