161
views
abante barangay chairman dead
By

Tawi-Tawi town vice mayor, patay sa pamamaril sa Zambo

Sharing is caring!

Itinumba ang bise alkalde ng bayan ng Sapa Sapa sa Tawi-Tawi nitong Miyerkules.

Ayon sa inisyal na ulat, binaril at napatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo si Vice Mayor Al Rasid Mohammad Alih habang nasa loob ng kanyang sasakyan malapit sa Governor Alvarez Avenue, sa Zamboanga City pasado alas-singko ng hapon.

Namatay umano sa ospital si Alih matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Si Alih ang pinakabagong lokal na opisyal na napatay nitong buwan.

Tatlong local officials na ang naunang napatay nitong nagdaaang linggo kabilang sina Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas; Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija; at Vice Mayor Alex Lubigan ng Trece Martires, Cavite, na nito lang Sabado pinatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?