182

Oct 12, 2017 @ 11:15

Tawag Ng Tanghalan sa Las Vegas, tuloy na…

SPEAKING of Las Vegas, unti-unti na ring ‘bumabangon’ ang mga tao roon pagkatapos nga ng nasabing mass shooting. Sa Sabado nga, matutuloy na ang The Global Tawag ng Tanghalan (Call of the Stage) North America Region Finals sa main auditorium ng Ed W. Clark High School.

Ang Tawag Ng Tanghalan Hurados (judges) ng It’s Showtime, ang pipili ng North America representative para sa Global Tawag ng Tanghalan grand championship na gaganapin sa ‘Pinas.

Ang hurados na darating doon ay si Yeng Constantino, Erik Santos, at Rey Valera. Sasamahan din sila nina Eric Nicolas and Ginger Conejero bilang hosts.

Noong una raw, dahil nga sa mass shooting sa lugar na ‘yon, ay pinag-isipan ng mga taga-TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN kung itutuloy pa ang event na ‘yon, pero napagdesisyunan nga na gawin pa rin ‘yon ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?