989

By

Tawag ng Tanghalan contestant, inulan ng pera!

Sharing is caring!

Lubos na natuwa ang ‘It’s Showtime’ family sa isang lalaking kalahok, na naging dahilan upang makatanggap siya ng bungkos ng kwarta mula sa mga hurado.

Si Roel Angot, singer mula Siquijor, ay kinanta ang lahat ng sikat na awitin ng mga Tawag ng Tanghalan hurado.

Sinimulan niyang pabilibin si Mitoy Yongting sa kantang ‘Pinaikot-ikot’ na kaagad na nagbigay ng P2,000.

‘Di nagpahuli si OPM hitmaker Rey Valera matapos kantahin ni Roel ang ‘Maging Sino Ka Man’ at ‘Pangako Sa’yo’, biglang dumukot ng P10K para sa rakista.

Matapos naman ay si Randy Santiago ang nagbuhos ng P3,000 sa bersyon ng kalahok ng ‘Hindi Magbabago’ at ‘Bababaero’, syempre pa may pabutal si Ogie Alcasid sa kanyang P2,050 sa pagkanta ng contestant ng ‘Nandito Ako’.

P4 kyaw naman ang idinagdag ni Vhong Navarro dahil kinanta ang sikat na awit niyang ‘Totoy Bibo’, samantalang 4,000 din ang binigay ni Ryan Bang, Korean Won nga lang na nagkakahalaga ng P187.

Dadagdag pa sana si Vice ngunit naging mali-mali na ang pagkanta ni Roel sa kanyang hits na ‘Boom Karakaraka’ at ‘Boom Panes’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }