48

Oct 17, 2021 @ 19:57
By

Tawa-tawa, lagundi vs COVID epektib – DOST

Iniulat ng Department of Science and Technology (DOST) ngayong Linggo na naging maganda ang resulta ng paggamit ng lagundi at tawa-tawa bilang karagdagang gamot kontra mild cases ng COVID-19.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, tapos na ang clinical trials sa dalawang medicinal plant at naging positibo umano ang epekto ng mga ito sa mga COVID patient na may mild symptoms.

“So, na-prove na nila na nale-lessen yung mga symptom using lagundi, lalo na yung pagkawala ng pang-amoy, nakapagbibigay din ito ng overall relief from discomfort due to the symptoms,” pahayag ni Guevarra sa panayam ng dzBB.

“Of the 172 random COVID-19 positive respondents who took two tawa-tawa 1,950mg capsules three times a day for 10 days, their symptoms disappeared within three to five days,” dugtong pa niya.

Sa naturang clinical trials, ang tawa-tawa ay binigay bilang food supplement sapagkat isa itong herbal supplement, habang ang lagundi ay isang herbal medicine, na ayon kay Guevarra ay magkaiba.

Ilan daw sa mga sintomas na nawala sa mga gumamit ng tawa-tawa ay lagnat, panlalamig, sakit sa katawan at ubo.

Gayundin, sinabi ni Guevarra na hindi masama kung gagamitin ang dalawang nabanggit na halamang gamot ng mga nagse-self medicate, dahil wala raw itong masamang epekto sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?